Alam naman po natin na mahirap ang buhay ngayon kaya lahat ng perang kinikita natin ay dapat nating itabi o gamitin sa matalinong paraan. May ilan tayong mga mamahalin na habits na puwede natin isantabi, iwasan o palitan ng mas murang alternatibo. Ito po ang ilan sa kanila:
Pagpunta sa gym
Kadalasan, ang mga memberships sa gym ay sobrang mahal. Kung gusto mong makapag-exercise, gawin mo na lang ito sa bahay o mag-jogging ka na lang sa park. Puwede ka din mag-invest sa murang exercise equipment tulad ng kettle bell, weights at skipping rope.
Mani-pedi para sa babae
Imbes na pumunta sa salon para sa iyong manicure at pedicure, gawin mo na lang ito sa bahay. Konting praktis lang ang kailangan at magmumukhang "done by a professional" ang iyong mga kuko.
Pagkain sa labas
Sino nga naman ang may oras o sinisipag maghiwa ng ingredients, magluto ng pagkain at maghugas ng pinggan pagkatapos? Pero ang madalas na pagkain sa labas ay malaki ang naibabawas sa iyong budget. Mas mabuti pa na magluto ka ng mga putahe na gusto mong kainin, ilagay ito sa freezer at mag-reheat na lang as needed.
Kotse
Ang maintenance ng kotse ay mahal. Tandaan na kailangan mong bayaran ang insurance, tax, gas, parking at pagpapaayos kung ito ay nasira. Kung hindi mo kayang mabuhay na walang kotse, bawasan mo ang paggamit nito.
Kape
Huwag masyadong bumisita sa iyong suking Starbucks kasi mauubos talaga ang iyong sweldo. Kung kailangan mong uminom ng kape araw-araw, mag-brew ka na lang sa bahay o kaya mag-3-in-1 ka na lang.
Pag-inom
Hindi maiiwasan na minsan nagkakayayaan sa Happy Hour pagkatapos ng trabaho pero kung napapadalas ang pagpunta mo dito, hindi na ito maganda.
Facials
Tulad ng mani-pedi, mahal din ang facials kapag pinagawa mo ito sa salon. Mag-research ka ng DIY home facials at makakatipid ka ng malaking halaga.
Hair treatments
Isa pang kumakain ng porsiyento ng ating sweldo ay ang hair treatments mula sa mga salon, kabilang dito ang hair cuts, dye jobs at hot oil treatments. Kailangan mo ba talaga ito gawin every month?
Bagong hobby
Okay naman ang pagkakaroon ng bagong hobby pero minsan napapagastos ka nang malaki dahil sa equipment na kailangan mo. Magtanong at magresearch kung saan ka makakakuha ng murang gamit para sa iyong bagong hobby.




Reply With Quote


harrr